Pano kung nakamove-on ka na pero biglang dumating ang ex mo? 

Naglalakad ka tapos bigla mo na lang makikita ang dati mong minahal. Hindi mo maintindihan ang gagawin mo. Parang may mabangis na hayop na nagpupumiglas, sa loob mo na tila hinihila ang dila mo kaya't wala kang masabi at nauutal kapag kinausap ka na.  Daig mo pa ang sumali sa maraton na tumakbo ng isang daang kilometro. Parang bombang sasabog ang dibdib mo dahil sa sobrang pagtambol ng puso mo. Wala ka na sa tamang wisyo para mag-isip pa. Natutuliro ka na!

Bakit nga ba ganito?

Ang tagal na non. Anim na buwan. Isang taon. Isang taon at kalahati? Ilang taon na nga ba?
Kahit ikaw hindi mo na matandaan kung kelan kayo huling nagkita, nakapag-usap at naghiwalay. Hindi nga rin malinaw sayo kung anong dahilan ng inyong paghihiwalay. 

Basta lang. 

Iniisip mo kung single pa ba sya o may bago na? Anong nakita nya sa bago nya na wala ka? Anong lamang mo sa kanya? Mas maganda ka ba? Mas matalino ka ba? Mas matangkad? Mas maputi? ...  Masaya ba sya? Masaya ba sila?  Naaalala ka rin ba nya gaya ng pag-alala mo sa kanya? Dami mong tanong sa isip mo, hindi mo naman mabigyan ng sagot kase nga hindi mo naman alam talaga kung anong isasagot!

Pero bakit affected ka pa rin nung makita mo siya?

Oo, alam mo sa sarili mo na minahal mo sya, na minahal ka nya. Ang saya nyo nga noon. HHWW o Holding Hands While Walking pa nga kayo. Nagsusubuan pag kumakain. May tawagan pa nga kayo. Lagi pa kayo magkausap sa phone at nagtetext. Nagkukulitan, nagkukurutan, nagtatawanan, nag-aasaran, nagkakapikunan, pero at the end of the day, okay na, parang walang nangyari. At kung minsan naman, pagnagbreak o cool-off, pag magkita kayo at kasama ang barkada, sabay- sabay silang kakanta ng pambansang timsong ng mga nagkahiwalay... Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. Tapos bati na ulit at kung makapag-I love you kayo sa isa't-isa, wagas! Akala mo wala ng bukas! 

Ang sweet sweet nyong dalawa! Pero hindi mo na talaga maalala  kung anong tunay na dahilan kung bakit kayo nagkahiwalay. Naguguluhan ka kung misunderstanding lang yon, kahit ang tagal tagal na. Kailangan mo ng sagot. Kailangan mo ng closure.

Pero bakit nga ba kailangan mo pa ng closure? Para san pa ba? Umaasa ka pa ba? Aasa ka pa bang magkabalikan pa kayo? Mahal mo pa ba sya? Iniisip mo bang mahal ka pa rin nya? 

E ano naman kung mahal nyo pa rin ang isa't-isa? Pwede pa ba? Baka naman may iba na syang mahal at sabihin lang nya sa yong mahal ka pa rin nya para lang wag kang magmukang tanga? Kung mahal nyo naman ang isa't-isa bakit hindi pa noon na lang kayo naghanap ng closure? Diba dapat pinaglaban nyo ang isa't-isa, noon pa lang?

Bakit kailangang may closure pa? Sana wala na lang closure para hindi na mas masakit. Sana may delete all memories na lang ang utak at puso para hindi mo na maramdaman ang sakit sa pagmamahal. Sana may band-aid na lang o kaya mefenamic acid na gagamot sa sugat at sakit ng nakaraan. Sana may antivirus rin ang puso para mablock ang mga taong mananakit sayo. . 

Pero hindi e, tao lang tayo, hindi tayo bato. Marunong tayong magmahal at masaktan. Parte lang yan ng buhay. Ang umibig at mabigo. Wag kang mag-alala, sa susunod tama na ang timpla, sakto ba. Kung kayo talaga para sa isa't-isa, gagawa at gagawa ng paraan ang kalawakan para maging kayo.




Wednesday, July 20, 2011 Posted in | | 0 Comments »

One Responses to "Ikaw at ang Ex Mo"

Write a comment