May mga araw na wala kang gana, madalas naman ang takaw takaw mo. Gusto mo lang gawin ay kumain nang kumain.

Masarap kase na kumain. Masarap kumain kapag maraming kasama, pamilya man o barkada. Masarap kumain lalo na pag may pera. Lalong mas masarap  kumain pag libre ka. Tama ba?!

Kapag estudyante ka, halos nauubos lang ang baon mo sa pagkain.  Mananaghalian ka sa fastfood chain ng kapirasong manok na dinamitan ng harina, at dahil meal ang inorder mo, may kasama pang softdrinks yon, na  kung susumahin mo, mas marami pa ang yelo kesa sa talagang maiinom mo. Pagbreak naman sa klase, pupunta ka sa canteen, maghahanap ng bago sa panlasa, kahit kakakain mo lang ng  tanghalian, parang gutom ka na naman. E ano nga bang nagawa mo? Nakinig ka lang naman sa teacher, nagsulat ng konti, at tumalak ka lang na nang tumalak. Magugutom ka nga.


Pag kalabas naman, pupunta ka sa tabi ng eskwelahan.Titigil nang sandali. Mag-iisip. Babagtasin ang HepaLane.Tuhuhog ng fishball at kikiam sa labas, isasawsaw sa sukang hindi kagandahan ang amoy pero pinasarap ng panahon at laway ng ibang sumuki na doon sa sukang hinawaan na ng kaasiman ang muka ng tindera. Pero kahit na alam mong ganon ang kalakaran, fight ka pa rin, walang hiya-hiya sa food. BASTA KAKAIN KA. TAPOS. Masarap e.

Hindi pa yon ha. Bago ka pa umuwi, bibili ka pa ng snacks para sa byahe, tinapay o kendi. Para hindi nga naman nakakabagot lalo na kung walang bumabayong sounds ang masasakyan mo. Sasabayan pa ng napakahabang pila ng sasakyan sa rush hour. Magugutom talaga.

Pagdating mo sa bahay, ibababa ang gamit, huhubarin ang amoy usok na uniporme, magpapalit ng medyo manipis ang tela, para presko, sa kusina dederecho. Handa na ang hapunan. Umuusok usok pa ang maputing kanin, sumusuot sa ilong ang lasa ng lutong ulam ng nanay. Ganado na naman kumain! Hmmm... Simot hanggang buto. Parang sinabon ang plato pag katapos, said pati mumo.

"May sawa sa tyan mo! Kain ka nang kain, di ka naman tumataba!" Madalas mong marinig yan, mapapaisip ka tuloy, may sawa nga ba sa tyan ko? Baka bulati lang. Payat ba ko? Bakit nga, kumakain naman ako? Madedepress ka lang. Kakain ka ulit!

Magdiet! Pumasok na sa isip mo ang salitang diet. Sabi mo lang, bukas mo na lang gagawin. Dumating ang bukas, sabi mo, "O sige, diet na ako." Tapos biglang nakita mo ung paborito mong ulam. Biglang nakalimutan ung DIET.  Sarap kumain eh.

Universal fact: Masarap kumain. Today's Advice: Kumain ka lang. Okay lang yan, magastusan ka man, sa pagkain naman, hindi sa ospital. Syempre mga kaibigan, maghinay-hinay din naman, wala ka nga sa ospital ngaun, singilin ka naman sa ibang pagkakataon. Mag-ingat ka rin sa mga kakainan, kinakain, kinain mo. Hinay- hinay! Happy Eating everyone!


Wednesday, July 27, 2011 Posted in | | 0 Comments »

One Responses to "Pud Labers"

Write a comment